Mukhang nasarapan yata talaga yung mga kabarkada ko sa gourmet tuyo ng asawa ko! Nakakatuwa! Hehe! Nung last kasi na bumisita si @bubblesparaiso dito sa bahay namin, natikman nya yung gourmet tuyo na gawa ni Neri. Nilagay nya muna sa pasta tapos ang sarap sarap daw. Maya-maya kumuha ulit sya ng tuyo tapos sabi nya kelangan daw ng kanin (kahit hindi sya nagra-rice) tapos kumain sya ng madami. Haha! I guess nasarapan talaga siya kasi niremind nya ko kanina na gusto nya umorder. Kasi kung hindi naman sya talaga nasarapan, she could have simply said na masarap nung natikman nya dito, pero hindi na sya mag-oorder. Eh sya pa mismo yung nag-paalala sa akin eh. Syempre tuwang-tuwa naman si Neri tapos super proud husband naman ako. Hehe! Megbebenta daw si Neri ng gourmet tuyo sa Circulo Verde, Calle Industria, Quezon City this Saturday, October 31 (10am to 12midnight) tapos magbe-bake at magbebenta din daw sya cookies na gawa nya...yung same cookies na binenta nya at na-sold out nung bazaar sa SMX. Ako naman, magbebenta ng Parokya Shirts. Hehe! Kanya-kanya kaming raket. #WaisNaMisis #WaisNaMister #TheChitoMirandaFoundation #ForTheBenefitOfChitoMiranda :: via chitomirandajr
Instagram http://ift.tt/1MkJMWZ
Instagram http://ift.tt/1MkJMWZ
No comments:
Post a Comment