
Maraming nagsasabi sa akin whenever I post pics of me working or resting na ang sarap daw ng buhay ko. Siguro dahil when they see me relaxing, akala nila hindi ko kelangan masyado magtrabaho, patambay-tambay lang dito sa bahay or tamang biking lang dito sa village namin sa Tagaytay. At pag nakikita naman nila ako na nagtatrabaho, feeling nila since masaya trabaho namin, na madali lang sya at hindi talaga sya trabaho kasi nga, masaya. Totoo naman yun...masaya ang buhay ko. But I worked hard my entire life to get here and hanggang ngayon, I still work hard everyday. I am a workaholic and sobra ang focus ko sa Parokya...kaya when I rest, todo-relax din talaga. I've worked hard since I was 6. Ateneo was never designed to be easy. And hindi rin madali sa UP Diliman. Nagkanda-utang utang ang mga magulang ko para lang mapag-aral kami ng kuya ko sa Ateneo para makapasok kami sa magandang college. At nung college na ko, ako na ang nagpa-aral sa sarili ko. Swerte ko lang talaga na pinili ng mga magulang ko mag-hirap ng todo para lang mabigyan kami ng magandang education. I've been supporting myself since I was 19yrs old. And for the 1st 3yrs ng Parokya, we played for free. Minsan may bayad na P300, at pag sinuswerte, P1000...sa buong banda na yun. Haha! Masarap ang buhay ko kasi I work hard constantly. Masaya ang buhay ko kasi pinaghirapan ko lahat. I'm blessed, not because swerte ako, but because God has given me what He thinks I deserve. Mas swerte ang taong masipag kesa sa taong tamad. If you want something, work for it. If you want something bigger, work harder than everyone else. :: via chitomirandajr
Instagram http://ift.tt/1bJXokr
Instagram http://ift.tt/1bJXokr
No comments:
Post a Comment