
Mali ka! Di sya si Sen. Miriam Defensor Santiago! Siya si Rosario. Ang tawag sa kanya ng mga kapitbahay sa Maynila ay Aling Paquita. Malamang nagtaka kayo kung bakit Paquita e ang layo sa tunay nyang pangalan na Rosario. Yun ang palayaw nya kasi ang tatay nya ay si Paquito. O ayos na? Ok. O bakit Rosario? Kasi ang nanay nya e si Rosita. Ok na? Malinaw na? To continue, may lima syang anak sa asawa nyang si Reynaldo. Espesyal syang babae kaya sya ang naatasang magluwal ng isang kabayong magpapatawa sa mundo. Simple lng syang babae. Relihiyosa. Mapagmahal sa asawa. Kaya nga di na muling umibig ng mabyuda. Buhay nya ang mga anak nya. Masipag. Sobrang sipag. Araw araw naglilinis sya ng bahay. Mayat maya nagdidilig sya ng napakarami nyang alagang halamang nakapaso. Mula umaga hanggang gabi nananahi sya ng mga retaso para gawing basahan. Nagbabantay din sya ng maliit na tindahan. Nagtitinda din sya ng yelo. Nagaalaga ng limang anak kabilang na ang isang malikot na kabayo. At sa asawa nyang lasing sya ay nagaasikaso. OO! Lahat yan sabay sabay nyang ginagawa. Araw araw! Walang patlang. Tama ka! Isang syang SUPERHERO na ang costume ay 'daster'. Humarap sya sa isang mabigat na pagsubok ng pinatay ang kanyang asawa. Nawalan sya ng kaagapay sa pagtaguyod ng pamilya nya. Kaya nagpasya syang mangibang bayan para kumita ng salapi para mabuhay ang mga anak nya. Alam nyang mahirap ito. Alam nyang ikamamatay nya ang pangungulia. Pero mas pinili nyang magsakripisyo. Ang mahalaga ay may makain at di maghikahos ang mga anak nya. Ang tatag ng aleng ito. Saksakan ng liit na di ka magtataka kung bakit sya inaalolk ng high chair tuwing kumakain sya sa jollibee pero hinarap at sinisiw lahat ng higanteng laban nya sa mundo. Bongga talaga to si Rosario. Syangapala ang tawag na sa kanya doon sa America ay di na Aling Paquita kundi Rose! Sya si ROSE, The Unkabogable Nanay! Si ROSE. Ang babaeng pinakamamahal ko. Si Rose, ang NANAY ko!!! :: via praybeytbenjamin
Instagram http://ift.tt/1H77GW3
Instagram http://ift.tt/1H77GW3
No comments:
Post a Comment